“You’re under observation for this month” I receive this from my immediate supervisor 2nd week of this month. From that moment alam ko na may 2 bagay na mangyayari, una marerenew ang kontrata ko, pangalawa mawawalan ako ng trabaho, as the days and weeks pass, pinag bubuti ko ang performance ko pero may mga araw pa rin na nag kakamali ako, na sa maliit na pag kakamali ko nagiging issue agad, ang hirap di ba, yung bawat kilos mo may nakabantay at sa bawat mali mo nakasulat na at ngayon nga ito na yung araw na pinag handaan ko? hindi ako sigurado kung pinaghandaan ko talaga oh inihanda ko at ng mama ko ang sarili ko.pero akala ko handa na ako, hindi pala ang hirap ang sakit, pero yun ang katotohanan, ngayon pagdating ng lunes wala na akong trabaho.

Ayoko ng mag pumilit pa kasi alam ko sa sarili ko na hindi na ko masaya dito alam ko sa sarili ko na unti unti nawawala ang confidence ko sa sarili ko dahil sa mga sinasabi ng tao sa paligid ko sa tuwing nagkakamali ako, tama nga kapag nakagawa ka ng maganda madaling nakakalimutan pero sa oras na mag kamali ka, hindi nakakalimutan, pero bakit ganun?

Lahat ng tao sa paligid natin malaki ang impluwensya sa atin lalo na sa buhay natin, sa sarili natin,pero dapat hindi tayo mag pa impluwensya, sana ganun lang kadaling iapply yun, pero hindi,, 

😦